Blinking Cute Box Cat

Linggo, Nobyembre 29, 2015

W A T T P A D 2 0 1 5

This Girl's In Love With U, Lester 


Matapos ang masalimuot na pinagdaanang pag-ibig ng baklang si Lester sa piling ng kanyang ex-boyfriend na si Mike, na ngayon'y happily ever after sa asawa nitong si Gemma, agad siyang lumipad papuntang America para makalimot. Sa paglipas ng panahon, ganap nang naka-move on ang ating unkabogable na bida! Kaya naman after 5 years na pananatili niya sa ibang bansa, umuwi siya para magbalik-bayan sa Pilipinas.
Sa kanyang pagbabalik Pinas, hindi inaasahan ni Lester na double trouble ang sasalubong sa kanya na tiyak...ikasasakit ng ulo niya. 
Muli kasing manggugulo sa kanyang buhay ang kanyang napakakulit na Ate Abbey (Ruffa Guitterez) at ang kinatatakutan niyang ina na isang "loudmouth mother" at "monster mom" na si Donya Esmeralda, Esme (Anabelle Rama). Hanggang ngayon kasi'y hindi pa rin matanggap ng ina na isa siyang beki de bayot. Lahat gagawin nito para maibalik lamang siya sa dating pagiging lalake nya kaya'y hangga't maaari ayaw nang makita pa ito ni Lester.
Idagdag pang "bitbit"  ng dalawang ito ang anak-anakan o ampon ng Mommy Esme niya ang isang dalaga na ngayon pa lang niya makikilala. Si Eureka, na mukhang bet na bet ng Nanay niya para sa kanya. 
Ngunit nahihiwagaan si Lester sa pagkatao ni Eureka. Never kasi siya nitong kinausap dahil hindi ito nagsasalita. Palagi lamang itong tahimik at nakatingin sa kawalan. Nais niyang malaman kung bakit ganun si Eureka samantalang hindi naman daw ito pipi ayon kay Donya Esmeralda.
.
.
.
.
Together they go through a series of antics and mishaps that eventually shapes their relationship ....for the better? 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento