Blinking Cute Box Cat

Lunes, Disyembre 7, 2015

V I C E R Y L L E ( 2016)

Di ko sure kung saan at kailan ito kinuha. Basta nakita ko lang ito sa twitter na pakalat-kalat hehe! Bale hindi po sa akin galing itong mga pictures na'to okay? Wag kayong ano haha! Natuwa lang ako nang makita ito promise. Seriously? Lumabas sila ng studio ng nakaganyan? Yung totoo? Hahaha! 




Linggo, Nobyembre 29, 2015

W A T T P A D 2 0 1 5

This Girl's In Love With U, Lester 


Matapos ang masalimuot na pinagdaanang pag-ibig ng baklang si Lester sa piling ng kanyang ex-boyfriend na si Mike, na ngayon'y happily ever after sa asawa nitong si Gemma, agad siyang lumipad papuntang America para makalimot. Sa paglipas ng panahon, ganap nang naka-move on ang ating unkabogable na bida! Kaya naman after 5 years na pananatili niya sa ibang bansa, umuwi siya para magbalik-bayan sa Pilipinas.
Sa kanyang pagbabalik Pinas, hindi inaasahan ni Lester na double trouble ang sasalubong sa kanya na tiyak...ikasasakit ng ulo niya. 
Muli kasing manggugulo sa kanyang buhay ang kanyang napakakulit na Ate Abbey (Ruffa Guitterez) at ang kinatatakutan niyang ina na isang "loudmouth mother" at "monster mom" na si Donya Esmeralda, Esme (Anabelle Rama). Hanggang ngayon kasi'y hindi pa rin matanggap ng ina na isa siyang beki de bayot. Lahat gagawin nito para maibalik lamang siya sa dating pagiging lalake nya kaya'y hangga't maaari ayaw nang makita pa ito ni Lester.
Idagdag pang "bitbit"  ng dalawang ito ang anak-anakan o ampon ng Mommy Esme niya ang isang dalaga na ngayon pa lang niya makikilala. Si Eureka, na mukhang bet na bet ng Nanay niya para sa kanya. 
Ngunit nahihiwagaan si Lester sa pagkatao ni Eureka. Never kasi siya nitong kinausap dahil hindi ito nagsasalita. Palagi lamang itong tahimik at nakatingin sa kawalan. Nais niyang malaman kung bakit ganun si Eureka samantalang hindi naman daw ito pipi ayon kay Donya Esmeralda.
.
.
.
.
Together they go through a series of antics and mishaps that eventually shapes their relationship ....for the better? 


Linggo, Nobyembre 22, 2015

Vice Ganda and Karylle (Vicerylle)

Okay! Dito ko ilalagay sa blog na'to ang mga nilikha kong book covers nina Tay (Vice) at Nay ( Karylle). Pinahinga ko muna ang pagiging KPOP fan ko dahil yung mga love team ko dun, isa ding mga HOPIA! 

Buti pa kasi itong tribong Vicerylle, nararamdaman ko na THIS IS REAL kahit papano kaya nag-switch muna ako ng loveteam. At saka isa pa, sikat pa rin ang loveteam nilang dalawa kahit may asawa na si Karylle. Nakaka-adik yung mga galawan ni Vice sa Showtime sa totoo lang. Alam ko naman na ginagawa nya yun para sa ikasasaya ng mga Vicerylle babies. Like me!

So heto na yung mga gawa ko. Kayo na bahalang humusga....basta ako, kaligayahan ko ngayon ang Vicerylle. Anuman ng mangyari, libo-libo man ang bilang ng mga taong galit sa loveteam nila, lalong-lalo na kay Vice Ganda, WALA AKONG PAKE haha! 

TITANIUM!!!!!!! ROCK N' ROLL TO THE WORLD! :) 





Sa lahat ng mga pictures nilang dalawa, eto naman yung BET NA BET KO


ANA KARYLLE TATLONGHARI
(Fresh na fresh ang mukha dito ni Nay kaya nagustuhan ko talaga siya. Simple lang siya sa picture na'to at lumalabas ang totoo nyang ganda) 


JOSE MARIE BORJA VICERAL "Vice" 
(Dahil BET NA BET ko si Peter Jackstone, Lester at Praybeyt Benjamin, itong picture na'to ni Tay ang napagdiskitahan kong i-post. Pogi nya dito para sa akin hahaha! Ewan ko ba bakit ang daming nagsasabi na mukha daw siyang kabayo pero ang totoo, HINDI NAMAN TALAGA.) 



Miyerkules, Pebrero 25, 2015

RyeoFany/WookFany ( Ryeowook Kim ❤ Tiffany Hwang) [+ PLUS GIF smile/hug moment]

❤ ❁ ❤ ❁ ❤ ❁ ❤ ❁ ❤ ❁ ❤ ❁ ❤ ❁ ❤ ❁ ❤ ❤❁ ❤ ❁ ❤ ❁ ❤ ❁ ❤ ❤ ❁ ❤ Oopps...Other Event ❤ ❁ ❤